MANILA – Plano ni Senator Francis “Chiz” Escudero, na maghain ng reklamo sa Commission on Elections o comelec bukas laban sa apat nitong heneral na nakitang nakikipagpulong sa mga campaign official ni Liberal Party standard-bearer Mar Roxas sa isang hotel sa Cubao, Quezon City noong nakaraang Sabado.Sabi ni Escudero, ang nasabing mga police officers ay maaring sampahan ng reklamong electioneering at pakikisangkot sa partisan political activites.Kasabay nito ay iginiit din ni Escudero kay Philippine National Police o PNP chief Director General Ricardo Marquez na disiplinahin ang nabanggit na mga heneral.Ayon kay Escudero, hindi tama na nakikipag-usap ang mga nasabing opisyal sa mga taga-LP lalo pa’t ipinagbabawal sa mga aktibong myembro ng kapulisan ang makilahok sa anumang aktibidad na may kinalaman sa eleksyon at sumuporta sa sinumang kandidato.Dagdag pa ni escudero,matagal na nilang naririnig na may papel na ginagampanan ang ilang mga active at retired na heneral ng PNP pero ngayon lang sila marahil nahuli ng litrato at kamera sa Novotel.Sinabi pa ni escudero na sa maraming lugar na pinuntahan nila ay nabatid nyang panay pala ang tawag ni roxas sa mga regional director, provincial director.Baka aniya akala ni roxas ay sya pa rin ang kalihim ng dept of interior and local govt.
Lp Generals, Kakasuhan Ng Isang Senador
Facebook Comments