Manila, Philippines – Pinuri ng liderato ng Liberal Party o LP ang ginawang pagkalas ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc sa majority coalition.
Para kay LP President Senator Kiko Pangilinan, ang pagpili ng Makabayan Bloc na maging independent ay magpapanatili sa demokratikong proseso sa Kamara.
Tiwala si Pangilinan na tatayo ang grupo bilang isang potent, vigilant, at credible fiscalizer laban sa mga pagkakamali at pag abuso ng Duterte administrasyon.
Ipinaalala ni Pangilinan na sila din noon ay sumapi sa Senate Majority Bloc at nakipagtulungan sa administrasyon.
Subalit, ayon kay Pangilinan, dumating ang punto na kinailangan din nilang humiwalay sa mayorya dahil sa serye ng mga hindi katanggap-tanggap na pangyayari.
Kabilang aniya dito ang paghimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa
Libingan ng mga Bayani, pagtaas ng bilang ng mga biktima ng extra-judicial killings, at ang walang basehang pagbilanggo sa kasamahan nilang si Senator Leila de Lima.