LP senators, mariing tinutulan ang panukalang ibaba sa 9 na taong gulang ang pwedeng kasuhan dahil sa krimen

Manila, Philippines – Mariing tinutulan nina Liberal Party o LP senators
Kiko Pangilinan at Bam Aquino ang panukalang batas sa kamara na layuning
ibaba sa siyam na taong gulang ang edad na pwedeng sampahan ng kasong
kriminal.

Giit ni Pangilinan, hindi makatao at hindi makatwirang ibilanggo ang 9 na
taong gulang lamang.

Ipinunto ni Pangilinan na kung ginagamit sa paggawa ng krimen ang mga bata
ay yaong mga nasa likod nila ang dapat habulin at sampahan ng kaso.


Tinukoy din ni Pangilinan ang statistics mula sa Philippine Nationall
Police na nagsasabing 2 percent lang ng krimen ang kinasangkutan ng mga
bata, kaya dapat higit tutukan ay ang 98 percent ng mga krimen na hindi mga
bata ang may kagagawan.

Binigyang diin naman Senator Aquino, na hindi solusyon ang pagpapababa ng
edad ng criminal liability dahil lalo lamang nitong palalain pa ang
problema.

Sinang-ayunan din ni Aquino ang sinabi ng United Nations na base sa
pag-aaral, ang pagpapataw ng parusa sa mga paslit ay lalong magpapariwara
at magbabaon sa kanila sa karahasan at krimen.

Samantala, nagsasagawa naman ngayon ng pagdinig ang Committee on
Environment and Natural Resources na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar.

Kaugnay ito sa mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan at pribadong sektor
para matugunan na pag-imbak sa ating karatagan ng mga basura na gawa sa
plastic.

Facebook Comments