Humina at ganap na lamang na Low Pressure Area (LPA) ang dating bagyong “Betty”.
Namataan ito sa layong 1,380 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – nang pumasok ito sa bisinidad ng bansa ay mas lalo itong humina dahil sa malamig na bugso ng hanging amihan.
Mananatili pa ring maaliwalas ang panahon sa buong bansa at may kalamigan ito pagdating ng gabi at madaling araw bunsod pa rin ng amihan.
Asahan naman ang katamtaman hanggang sa maalong karagatan sa hilaga at silangang bahagi ng bansa.
Facebook Comments