LPA na nasa labas ng PAR, patuloy na binabantayan

Binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng bansa.

Ito ay nasa 3,240 kilometers silangan ng Mindanao.

Ayon kay DOST-PAGASA weather forecaster Jomalia Garrido – wala pang direktang epekto sa bansa ang LPA pero mataas ang tiyansang lumakas ito.


Dahil naman sa epekto ng hanging amihan, may mahihinang ulan sa Cagayan Valley at buong Kabisayaan.

May kalat-kalat na pag-ulan sa Davao Region at Soccsksargen dahil sa tail end of cold front.

Sa nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon.

Facebook Comments