Papalapit sa bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ito ay nasa 1,380 kilometers silangan ng Mindanao at posible itong pumasok bukas ng gabi o linggo ng umaga.
Kapag pumasok ito ay tatawagin itong bagyong ‘Dodong.’
Sa ngayon, wala pang epekto ito sa bansa.
Asahan ang local thunderstorms sa malaking bahagi ng bansa.
Samantala, magaganap ngayong araw ang summer solstice o mahabang araw at maikling gabi.
Nangyayari ang summer solstice dahil nakatagilid ang ikot ng mundo.
Kaya madadagdagan ng isang oras ang daytime sa bansa.
Sunrise: 5:28 ng umaga
Sunset: 6:27 ng gabi
Facebook Comments