LPA, namataan sa bisinidad ng Palawan

Isang low pressure area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa bisinidad ng San Vicente, Palawan.

Sinasabayan ito ng intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto naman sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Bukod dito, mino-monitor din ng PAGASA ang isang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na huling namataan sa layong 1,580 kilometers Silangan ng Visayas.


Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55kph.

Ngayong araw, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat napag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, Visayas, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Aurora at Bulacan bunsod ng LPA at ITCZ.

Maulap na kalangitan na may mga pag-ulan din ang aasahan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa northeasterly surface windflow.

Facebook Comments