LPA o namumuong sama ng panahon sa silangan ng Mindanao, inaasahang papasok sa loob ng bansa mamayang gabi ayon sa PAGASA-DOST

Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) o namumuong sama ng panahon mamayang gabi.

Ayon sa PAGASA-DOST, may posibilidad na maging bagyo ng LPA sa mga susunod na araw at kung sakali ay papangalanan itong Bagyong “Amang” na unang bagyo ngayong taon.

Huling namataan ang LPA sa layong 1,285 kilometers sa silangan ng Mindanao.


Dagdag pa ng PAGASA, inaasahang lalakas pa ito habang papasok sa bansa dahil daraan ito sa Philippine Sea.

Kaugnay nito, posibleng maapektuhan ng trough o buntot ng LPA na magdudulot ng pag-ulan sa Eastern at Central Visayas, Caraga Region, Bicol Region, Calabarzon, Central Luzon, at Metro Manila.

Samantala, may nakataas naman na gale warning sa ilang baybayin sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Island, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union.

Kaya naman, pinaalalahanan ang mga mangingisda at may mga malilit na sasakyang pandagat na huwag muna pumalaot sa mga nasabing karagatan dahil sa mga posibilidad na matataas at malalakas na alon.

Facebook Comments