Baclaran Church, maagang dinayo ng mga deboto ngayong Easter Sunday

Tuloy-tuloy ang dating ng mga deboto sa Baclaran Church para sa misa ngayong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Ilan sa mga deboto ay hindi na nakapasok sa loob ng simbahan at sa labas na lang nakinig ng misa.

Ayon sa pamunuan ng Baclaran Church, hindi bababa sa 5,000 na mga deboto ang dumalo sa unang misa at inaasahang madadagdagan pa ito.


Samantala, balik-normal na ang schedule ng mga Misa sa nasabing simbahan at simula ngayon ay may siyam na regular masses na matatapos hanggang mamayang 6:30 ng gabi.

Para sa morning mass, nagsimula ito ng alas-sais trenta hanggang alas-onse ng umaga.

Facebook Comments