Isang Low Pressure Area ang nabuo sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility at lalakas bilang isang bagyo sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
Sakaling maging bagyo, tatawagin itong Egay at posibleng kumilos patungo sa hilagang kanlurang bahagi ng northern Luzon.
Habagat naman ang makakaapekto sa malaking bahagi ng bansa at magdadala ng pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Samantala, kahit nakalabas na ng bansa ay nakakaapekto pa rin ang Bagyong Dodong at pinalalakas ang habagat.
Facebook Comments