LPA sa Northern Luzon, ganap nang bagyo ayon sa PAGASA

Idineklara na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ganap nang bagyo ang namuong Low Pressure Area (LPA) sa Northern Luzon.

Sa weather bulletin ng PAGASA, papangalan itong “Fabian.”

Paliwanag ng PAGASA bagama’t wala pang ibinababang warning signal sa anumang bahagi ng bansa, makararanas naman ng mga pag-ulan ang Western part ng Luzon, kasama na ang Metro Manila hanggang sa araw ng Martes.


Asahan naman ang maulang panahon simula ngayon sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at mga lalawigan ng Bataan, Benguet at Zambales.

Hindi nakikita ng weather bureau ang pagtama sa kalupaan ng Bagyong Fabian.

Facebook Comments