LPG Industry Regulation Act, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang LPG Industry Regulation Act o ang batas na nagtatakda ng regulasyon para sa ligtas na operasyon ng LPG Industry sa bansa.

Ito ay ang Republic Act no. 11592 na magtatakda ng regulasyon o best practice para pag-aangkat, refining, pag-iimbak, exporting, refilling, pagbi-biyahe, distribusyon, at marketing ng mga LPG.

Ito ay upang matiyak ang kapakanan at interes ng mga consumer laban sa mga iligal na paraan ng pag-refill, at mababang kalidad, o depektibong tangke ng LPG.


Nakasaad din sa batas ang pagtatatag ng cylinder exchange and swapping program na magpapahintulot sa mga customer na makabili ng LPG kahit na iba ang brand ng kanilang tangke.

Pinakamababa ang multang P5,000, at anim na buwan ang pagkakakulong sakaling mapatunayang nagkaroon ng paglabag sa mga itinakdang regulasyon.

Maaari ring mapatawan ng suspensyon, diskwalipikasyon, o closure ang mga pasilidad na makikitaan ng paglabag.

Facebook Comments