LPP, maghahain ng apela sa Marcos admin at DepEd upang i-review ang pagpapatupad ng face-to-face classes; full implementation nito sa Nobyembre, tinutulan!

Pormal na hihilingin ng League of Provinces of the Philippines (LPP) sa Marcos Administration at Department of Education na i-review ang full implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni LPP National President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr. na nangangamba sila sa kapakanan ng mga estudyante lalo na’t tumataas ang kaso ng COVID-19.

Apela ni Velasco sa pamahalaan, gawin munang selective ang implementasyon ng face to face classes at ipatupad ito kung mataas na ang bilang ng mga batang bakunado.


Binigyang-diin ni Velasco na dapat munang konsultahin ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng face to face classes dahil sila ang mas nakaka-alam ng tunay na sitwasyon sa mga lalawigan.

Kasabay nito, makikipagpulong ang LPP kay Vice President Sara Duterte na siya ring kalihim ng DepEd upang pormal na mailatag ang kanilang posisyon sa full implementation ng face to face classes.

Facebook Comments