LPP, suportado ang panawagan ni Pangulong Marcos na paigtingin at palawakin pa ang sakop ng pagtuturok ng COVID-19 booster shot

76

Suportado ng League of Provinces of the Philippines ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong’’ Marcos na paigtingin at palawakin pa ang sakop ng pagtuturok ng COVID-19 booster shot sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni LPP National President Presbitero Velasco Jr. ang kanilang buong suporta sa apela ni Pangulong Marcos lalo na’t ang booster shot ay susi upang maiwasan ngayon ang COVID-19 surge.

Aminado na si Velasco na ang problema sa vaccine hesitancy at pag-iisip ng ilan na walang ng COVID-19 kaya marami sa mga ito ang hindi na nagpa-booster.


Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang kanilang pagba-bahay-bahay at pagbibigay ng insentibo upang mahikayat ang publiko na magpa-booster na.

Facebook Comments