LRT-1 Cavite Extension Phase 1, 97% nang kumpleto ayon sa DOTr

Inanunsyo ng Transportation Department na 97% nang kumpleto ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bunga nito, tiyak aniyang mabubuksan ang operasyon nito sa fourth quarter ng 2024.

Ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 ay binubuo ng 5 stations.


Kabilang dito ang mga sumusunod:
• Redemptorist Station = 93.3%
• MIA Station = 93.5%
• Asia World Station = 83%
• Ninoy Aquino Station = 88%
• Dr. Santos Station = 94.1%

Sinimulan na rin ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang test runs sa iba’t ibang LRT-1 trains sa extension line nito.

Facebook Comments