Philippine Consulate sa Jeddah, pansamantalang magbabawas ng oras ng operasyon sa panahon ng Ramadan

Nag-anunsyo ang Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia na pansamantala itong magbabawas ng oras ng operasyon mula sa Linggo, March 10.

Ayon sa konsulada, tatagal ito hanggang sa April 9 sa pagtatapos ng Ramadan.

Mula sa darating na Linggo ay magsisimula ang operasyon ng Philippine Consulate ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.


Babalik naman sa normal ang operasyon ng Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah pagkatapos ng Eid’l Fitr holidays.

Facebook Comments