Pansamantala munang ititigil ang biyahe ang LRT-1 sa Linggo, Enero 23.
Ito ay upang bigyang daan ang pagkakabit ng bagong signaling system ng naturang tren at masigurong maayos at ligtas ang takbo at operasyon ng mga tren ng LRT-1.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), mahalaga ang pag-upgrade ng signaling system upang ma-accommodate ang 4th generation train sets na target simulan sa kalagitnaan ng taong 2022.
Humihingi naman ang LRMC ng pang-unawa sa publiko na mga maaapektuhan ng isasagawang pag-sasaaayos lalo’t mapapakinabangan umano ito ng pang-matagalan.
Facebook Comments