Nadine Lustre, nagtrending dahil sa kaniyang bagong tattoo

37

Nagtrending sa social media ang aktres na si Nadine Lustre dahil sa kaniyang ipinalagay na bagong tattoo.

Sa mga litratong ibinahagi sa Facebook ni Beth Barocaboc-Linga, may disenyong dragon ang tattoo na nasa kanang balikat ng aktres.

Bago nito, una nang nagpatattoo si Lustre sa iba pang bahagi ng katawan kabilang na ang kaniyang Japanese name sa kanang braso.


Umani naman ito ng papuri sa netizens at tinawag pa siyang “The Girl With the Dragon Tattoo” na hango sa pelikula noong 2011.

Facebook Comments