Pansamantala munang suspendido ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) sa darating na Disyembre 3 at 4.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang private operator ng LRT1, ito ay para sa muling pagdurugtong ng LRT-1 Roosevelt Station sa natitirang 19 na operational line station mula Baclaran hanggang Balintawak.
Kapag maayos ang naging resulta ng readiness tests, trial run at operational exercises, kaagad na sisimulan ang commercial operations mula LRT-1 Baclaran Station hanggang LRT-1 Roosevelt Station sa Disyembre 5.
Matatandaang pansamantalang isinara ang LRT-1 Roosevelt Station noong September 5, 2020 para bigyang-daan ang pagtatayo ng gobyerno ng Common Station o Unified Grand Central Station (UGCS) kung saan planong pagsamahin ang operasyon ng LRT-1, MRT-3 at MRT-7 upang mas mapadali ang paglipat ng mga commuter patungo sa isa pang linya ng tren.