LRT-2, magdadagdag ng bumibiyaheng tren sa Abril

Plano ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magdagdag ng mga bumibiyaheng tren sa LRT Line 2 sa susunod na buwan.

Ito ay kasabay ng pagbubukas ng East Extension Project.

Sa ngayon kasi, ang headway o ang paghihintay bago dumating ang susunod na tren ay nasa 14 na minuto.


Ayon kay LRTA Administrator Reynaldo Berroya, pinamamadali na ang restoration ng tatlong train sets para bumaba sa siyam na minuto ang headway.

Binigyang diin ni Berroya na nire-regulate pa rin ang bilang ng mga pasahero kada tren.

Pero sinabi rin niya na ang pagdadagdag ng tren ay makakatulong na mabawasan ang travel time ng mga commuter.

Ang iba pang tren ng LRT-2 ay kailangang sumailalim sa rehabilitation habang planong bumili ng mga bagong train set para sa East and West Extension projects.

Facebook Comments