Kumpiyansa ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA na tataas pa ang naitatala nilang average daily ridership sa LRT Line 2 ngayong buwan.
Ito’y ayon sa pamunuan ng LRTA ay kasunod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero lalo’t malapit lamang ang kanilang Recto Station sa dinarayong Divisoria sa Maynila.
Batay sa datos ng LRTA nitong Disyembre 2, naitala nila ang record high passenger turnout buhat ng pumutok ang pandemiya sa 156,397.
Nalampasan pa nito ang 139,518 na daily ridership na kanilang naitala noong Oktubre 19 na siyang panahon kung kailan umiiral ang libreng sakay para sa mga estudyante.
Paalala naman ng pamunuan ng LRTA sa mga pasahero, sundin pa rin ang Health and Safety Protocols upang maka-iwas sa banta ng COVID-19.