LRT at MRT, maghihigpit ng seguridad

Hindi na papayagang makapasok ng LRT at MRT ang anumang uri ng likido sa tren.

Ito’y bilang bahagi ng pagpapaigting ng seguridad kasunod ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Hinigpitan na ang pag-iinspeksyon sa mga bag at x-ray procedures sa mga linya ng tren sa Metro Manila lalo’t naka-full alert ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila.


Ayon kay NCRPO Director, Chief Superintendent. Guillermo Eleazar may mga liquid items na maaring kemikal na mapanganib sa mga pasahero.

Hinimok din ng pulisya ang publiko na isumbong sa mga kinauukulan ang anumang mga kahina-hinalang mga bagay o aktibidad.

Facebook Comments