“No backpack policy”, ipinatupad na sa Davao

Ipinag-utos na ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang ‘no backpack policy’ sa mga simbahan sa lungsod.

Ito’y kasunod ng pambobomba sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Public Safety and Security Command Center Head Benito De Leon ang mga tutungo sa mga simbahan ay pagbabawalan nang magdala ng backpack bilang bahagi na rin ng mahigpit seguridad.


Pero nilinaw ni De Leon na maari pa ring magbitbit ng mga maliliit na handbags o purse para ma-monitor ng Security forces ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Nanawagan din ang mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan at magpasailalim sa inspeksyon.

Facebook Comments