LRT line 1, nag-abiso kaugnay sa magiging operasyon nila sa Semana Santa

Manila, Philippines – Nag-abiso na ang Light Rail Transit (LRT) line 1 kaugnay sa magiging operasyon nila sa Semana Santa.

Mula April 13, Huwebes Santo ay wala nang biyahe ang LRT hanggang April 16 ng Linggo ng pagkabuhay.

Magbabalik-normal ang operasyon nito sa Lunes, April 17, mula alas 4:30 nang madaling araw.


Isasabay naman sa pagtigil ng operasyon sa Holy Week ang maintenance works sa mga tren ng LRT at sa dalawampung (20) istasyon nito.

Payo ng LRT 1 sa mga pasahero, magplano na ng kanilang alternatibong masasakyan sa mga araw na walang biyahe ang LRT.
Nation”

Facebook Comments