Konsehal sa Sariaya, Quezon – kritikal matapos pagbabariliin

Manila, Philippines – Kritikal matapos pagbabarilin ang isang konsehal sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Dalawang tama ng bala ng baril ang tinamo ng biktimang si Victoriano Ilao.

Sa inisyal na ulat – uma-attend lang umano sa isang graduation ceremony ang konsehal nang bigla itong lapitan at pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.


Kasalukuyan nang ginagamot sa ospital si Ilao habang inaalam na rin ang motibo sa pamamaril.
Nation”

Facebook Comments