LRT line 2, nag-aalok ng COVID-19 booster shots sa kanilang mga istasyon

Hindi tumitigil sa panghihikayat ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA sa publiko na samantalahin ang libreng COVID-19 booster shots na ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Ayon sa LRTA, ito ay upang mapalakas ang panlaban mula sa banta ng COVID-19 para sa mabilis na pagpapanumbalik sa normal ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Kasunod nito, sinabi ng LRTA na nagtatag sila ng bakunahan sa LRT2 Araneta Center Cubao Terminal Station tuwing araw ng Lunes.


Katuwang ng LRTA ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon para sa mga hindi pa natuturukan ng booster doses na libre para sa lahat.

Alas-9:00 ng umaga kahapon nang buksan ang bakunahan na tatagal hanggang alas-3:00 lamang ng hapon.

Facebook Comments