DFA, patuloy ang pagkalap ng impormasyon kung may Pilipinong nasaktan sa malakas na lindol sa Indonesia

Patuloy ang pagbabantay ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon ng mga Pilipino sa West Java, Indonesia.

Ito ay kasunod ng nangyaring magnitude 5.6 na lindol kung saan mahigit sa 40 na ang nasawi at daan daan ang sugatan.

Ayon sa DFA, wala pa silang natatanggap na impormasyon kung may nasaktan na Pilipino sa lindol.


Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa Embahada ng Pilipinas sa Indonesia.

Pinapayuhan ng DFA ang mga kababayan natin na mga Pilipino na mag-ingat sa epekto ng aftershock na posibleng mag resulta sa pagguho ng mga gusali.

Nabatid na marami sa mga nasawi ay dahil sa pagguho ng gusali at bahay habang ang ilan sa mga sugatan ay namatay rin matapos hindi maoperahan dahil sa power interruption at pagkasira ng hospital.



Facebook Comments