LRT, magdaragdag ng oras at biyahe kahit weekends at holidays

135

Manila, Philippines – Magdaragdag ng oras at biyahe sa Light Rail Transit (LRT) Line 1 kahit weekends at holidays.

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), operator ng LRT-1, mula sa dating alas-5:00 ng madaling araw ay gagawin nang alas-4:30 ng madaling araw ang unang biyahe ng tren tuwing Sabado, Linggo at pista opisyal.

Mula naman sa dating 423 na biyahe ng tren tuwing Sabado at holiday ay gagawin na itong 472 habang ang 323 biyahe tuwing linggo ay gagawin nang 353.


Tinukoy ng LRMC na ang dagdag na biyahe at oras ay bunsod ng positibong feedback mula sa mga mananakay nang ipatupad nila ang extended operating hours noong pasukan.

Facebook Comments