LRTA, tiniyak na mas bibilis pa ang biyahe dahil sa rehabilitasyon ng mga Rectifier Sub-Station 5 at 6

Tiniyak ng ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na mas magiging mabilis na ang biyahe nito kasunod ng matagumpay na pagtatapos ng rehabilitasyon ng Rectifier Sub-Station 5 at 6.

Ayon sa LRTA, ang nasabing rehabilitasyon ay makatutulong na mapataas ang train speed ng 40km/h hanggang 60km/h mula Cubao Station hanggang Santolan Station.

Kasunod nito, patuloy ang isinasagawang apat na araw na testing at commissioning phase ng LRTA na inaasahang matatapos hanggang sa Lunes upang masiguro ang maayos na integration ng naturang power system.


Kung maaalala ay nagkaroon ng aberya sa operasyon ng LRT-2 dahil sa problema sa integration ng bagong power system.

Sa huli, humingi ang LRTA ng pasensya at pang-unawa sa mga pasahero habang ipinatutupad ang mga upgrade sa linya ng tren.

Facebook Comments