Malinaw na tatakbo si LRV sa pagkakongresista ng 3rd District na kasalukuyang hawak ni Congressman Gabby Bordado, Jr.
Ito ang ipinahayag ni dating 3rd District Congressman at dating CamSur Governor Luis R. Villafuerte sa interview ni RadyoMaN Ed Ventura at RadyoMaN Grace Inocentes sa DWNX Doble Pasada.
Idinagdag pa niya na magkakaisa na silang mga Villafuerte kaugnay ng darating na 2019 elections. Malinaw na malinaw na, ang 2019 political exercise sa Camarines Sur ay magiging labanan sa pagitan ng pamilyang Andaya at pamilyang Villafuerte.
Una nang nagpahayag si Cong. Nonoy Andaya na tatakbo siya sa pagka gubernador habang tatakbo naman sa pagka-kongresista ng 1st District ang maybahay ni Congressman Nonoy na si Madam Marissa Mercado-Andaya at sa 2nd District naman ang kapatid na si dating Pasig City Mayor Maribel Andaya-Eusebio.