Lt. Gen. Guillermo Eleazar, itinalagang pinuno ng JTF COVID Shield

Itinalaga ng Interagency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) si Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar bilang Commander ng Joint Task Force Covid Sheild.

Ang JTF Covid sheild ay binuo  upang magpatupad ng mga direktiba ng IATF-MEID kaugnay ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) para  maging mas mas-maayos ang sistema  sa mga ipinaiiral na patakaran.

Ang Joint Task Force (JTF) Covid Sheild ay binubuo ng mga opisyal ng PNP, AFP, Philippine Coast Guard.


Kaugnay nito muling naglibot si Eleazar sa iba’t ibang checkpoints sa Metro Manila upang masiguro na maayos na ang pagpapatupad ng ECQ pagkatapos ng mga “adjustments” na ginawa makalipas ang unang araw ng ECQ.

Una nang Binigyang diin ni Eleazar na kailangang Istriktong ipapatupad ang mga checkpoint procedures dahil kung hindi ay mababalewala ang pagpapatupad ng ECQ.

Facebook Comments