Lt. Gen Parlade at mga miyembro ng Gabriela, papaharapin sa pagdinig ng Senado ukol sa red-tagging

Bilang Chairman ng Senate Committee on National Defense and Security ay magsasagawa ng pagdinig si Senator Panfilo “Ping” lacson ukol sa umano’y red tagging o red-baiting activities ng ilang opisyal ng militar.

Target ng pagdinig na tukuyin kung ano ang ugat o basehan ng pag-akusa ng militar na may kaugnayan sa partido komunista o teroristang grupo ang ilang personalidad, grupo o samahan.

Sa Senate resolution number 559 ay sinabi ni Lacson na layunin ng pagdinig na makapaglatag ng patakaran para maiwasan ang hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng publiko at ng militar.


Ayon kay Lacson, ito ay para matiyak ang proteksyon sa constitutional rights ng mamamayan at para rin mas mapag-ibayo pa ang tiwala sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Pangunahin sa mga papaharapin sa pagdinig ay si Lt. General Antonio Parlade Jr., at iba pang opisyal ng Armed Forces of the Philippines gagundin ang mga miyembro ng grupong Gabriela, Bayan Muna at iba pang militanteng grupo.

Facebook Comments