Hindi na dapat bumalik sa pagpapapogi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at tuluyan nang tapusin ang problema ng insurgency sa bansa.
Ito ang iginiit ng nagbitiw na dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na si Lt. General Antonio Parlade Jr.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Parlade na umaasa siyang ipagpapatuloy ng susunod na hepe ng Southern Luzon Command ang mga nasimulan nila lalo na’t matagumpay ang naging kampanya nila laban sa mga rebeldeng komunista.
Ayon pa kay Parlade, naging problema ng mga dating lider kung may masasagasaan silang mga politiko na sumusuporta sa mga terorista kung kaya’t hindi agad natutugis ang mga kalaban.
Samantala, sa pagreretiro ni Parlade ngayong buwan ay papalitan siya ni Maj. Gen. Bartolome Bacarro na siyang kasalukuyang commander ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army.