Mura, masarap at accessible na mga pagkain, alok ng Ta-Ke-Ho-Me Sushi stand

Budget sushi para sa food trip kahit walang okasyon.

Ito ang alok ng Ta-Ke-Ho-Me Sushi stand na perfect para sa mga mahihilig sa Japanese food.

Kaya naman sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ng owner na si Kelly ParreƱo-Librojo na binuksan nila ang negosyo noong 2016 kung saan makalipas lamang ang 5 taon ay nasa 16 na agad ang kanilang branches.


Kwento ni Librojo, nag-isip muna sila noong una kung anong produkto ang pwedeng ibenta na mura at masarap na agad na tatangkilikin ng customers at nataon naman na mahilig ang kanilang magulang noon sa mga Japanese foods.

At sa ngayon, available na rin sa ilang food delivery apps ang kanilang mga produkto.

Facebook Comments