LTFRB Board Member Engr. Paches, itinalagang OIC ng LTFRB kasunod ng pagbibitiw ni Atty. Garafil

75

Mayroon nang pansamantalang hepe ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ianunsyo ng Malacañang ang pagkakatalaga kay Atty. Cheloy Garafil bilang officer-in-charge at undersecretary ng Office of the Press Secretary.

Sa inilabas na special order, itinalaga bilang officer-in-charge ng LTFRB si Engineer Riza Marie Paches.

Nakasaad sa kautusan na kabilang sa magiging tungkulin ni Engr. Paches ay ang pagpo-proseso sa mga dokumento patungkol sa operasyon sa naturang tanggapan.


Gayundin, ang pag-aksyon sa mga transaksiyon sa ahensiya may kinalaman sa mga orders at issuances.

Si OIC Chairman Paches ay isang licensed engineer at environmental planner na umupo bilang Board Member ng LTFRB nitong Hulyo 2022.

Bago siya naitalaga sa ahensya, tumayo siya bilang acting head ng City Public Safety Office ng General Santos City.



Facebook Comments