Lugar ng mga Pinoy sa Libya, iniikot ng Philippine Embassy sa harap ng kaguluhan doon

35

Patuloy ang pag-iikot ng Philippine Embassy sa lugar ng pinagtatrabahuhan mga Pilipino sa Libya sa harap ng kaguluhan doon.

Huling binisita ng mga tauhan ng embahada ang Filipino healthcare workers sa Bengasher.

Partikular na inalam ng embassy officials kalagayan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Al Afia Hospital.


Nagpapatuloy naman ang online registration at mapping ng Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Libya.

Kasunod ito ng pagsiklab ng karahasan sa Zawiya District at sa mga karatig na lugar.

Facebook Comments