LTFRB Chairman Martin Delgra, pinagbibitiw ng ilang transport group

Manila, Philippines – Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO na pagbibitiwin na sa kanyang tungkulin si LTFRB Chairman Martin Delgra dahil wala umanong karanasan sa panunungkulan sa pamahalaan at lalo pa umanong lumala ang kurapsyon sa ahensiya.

Sa ginanap na forum sa NPC sinabi ni ACTO President Efren De Luna na dapat lamang mag-resign na si Delgra upang miayos ang kalakaran sa loob ng LTFRB na lalo pang lumala umano ang kurapsyon.

Sa usapin naman ng modernization ng jeep ayon kay De Luna hindi naman sila tumututol sa pagbabago ng jeepney pero may mga ilang mga alituntunin sa loob ng pagpapatupad ng PUB Modernization katulad ng mga depot o kaya ay terminal halimabawa aniya sa Rutang Pasig-Quiapo ang miyembro ay 200 units ang isa sa mga requirements ng PUB Modernization at kailangan umanong umupa sila ng lupa na magkakasya ang 200 Units.


Tinatanong nila kung saan lugar sa Metro Manila na makakaupa ng lupa na magkakasya ang 200 units dapat aniyang gradual at hindi sabay-sabay ang pagtanggal ng mga lumang jeep.

Dagdag pa ni De Luna na magsasagawa sila ng kilos protesta sa Lunes upang ipabatid sa gobyerno ang dapat nilang linawin ang kalakaran ng modernization program dahil imposible na maibigay nila ang hinihiling na requirement ng gobyerno.

Facebook Comments