Ibinalik na sa pwesto ang suspendidong si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, binawi na ng Office of the President ang 90-days suspension ni Guadiz matapos masangkot ang pangalan sa umano’y korapsyon sa ahensya.
Una nang inakusahan ng dating opisyal ng LTFRB na si Jeff Tumbado si Guadiz at iba pang hindi tinukoy na opisyal sa Malakanyang na tumatanggap ng malaking pera kapalit ng prangkisa, ruta, special permit at iba pa mula sa ahensya.
Ayon sa palasyo, naging batayan nila ng pagbawi sa suspension order ang recantation o pagbawi ni Tumbado ng kanyang salaysay laban sa mga nasabing opisyal.
Facebook Comments