Nakahandang magpalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng dagdag na special permits para makabiyahe ang mga bus sa iba’t ibang probinsiya ngayong Semana santa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na may mga team sila sa malalaking terminals tulad ng north Luzon terminal, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Sta. Rosa Integrated Terminal at Araneta Center na pwedeng mag-isyu ng special permit kapag nakitang kinakapos na ang mga unit ng bus na bumibiyahe dahil sa dami ng mga pasahero.
Ayon kay Cassion, sa ngayon ay sapat pa naman ang bilang ng mga bumibiyaheng bus.
Nabatid na simula ngayong araw hanggang sa Abril 18 ay pwede silang makapagpalabas ng dagdag na special permits kung kinakailangan.