Apat na opisyal ng NPA patay sa sagupaan sa Bukidnon

503

Nasawi ang apat na matataas na lider ng New Peoples Army (NPA) matapos makaengkwentro ng militar sa Talakag, Bukidnon.

Kinilala ang mga nasawing sina Carlisio D. Sumalinog, Jovilito T. Pontillas, Gary I. Juliana, at Jelly A. Sugnot.

Ayon kay Eastern Mindanao Command Commander Lt. Gen. Greg Almerol, naganap ang sagupaan kahapon sa Brgy. Tikalaan matapos rumesponde ang militar kaugnay sa sumbong ng ilang residente sa presensya ng 30 armadong indibidwal sa kanilang lugar.


Tumagal ng dalawang oras ang bakbakan na nagresulta sa pagkakasawi sa 4 na NPA leaders.

Narekober ng militar sa pinangyaring ng engkwentro ang 16 na matataas na uri ng armas, mga magazine at bala, mga bandila ng grupo at iba pang gamit.

Facebook Comments