Hindi agad manghuhuli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga unconsolidated public utility vehicle pagsapit ng Mayo.
Ito ay kahit pinal na ang deadline ng consolidation sa April 30.
Sabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, padadalhan muna nila ng notice ang mga PUV na hindi nagkapag-consolidate.
Kapag walang magandang paliwanag kung bakit hindi nag-consolidate ay saka lamang babawiin ang prangkisa ng mga tsuper at huhulihin kapag patuloy na namasada.
Sa datos ng ahensya, halos 149,000 PUVs o mahigit 77% na ang nakapag-consolidate.
Nitong Lunes at Martes, umarangkada ang transport caravan ng Manibela habang niluluto na rin ng PISTON ang tatlong araw na tigil-pasada sa April 29, 30 at May 1 bilang pagtutol sa PUV modernization program.