Wednesday, April 15, 2026

Mahigpit na pagpapatupad ng accountability sa mga digital gaming platforms, iginiit ng isang senador

Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros ang mahigpit na pagpapatupad ng accountability sa mga digital gaming platforms tulad ng Roblox kasunod nakakaalarmang mga ulat na pag-groom o pangiimpluwensya sa mga kabataan na gumawa ng karahasan.

Tinukoy ni Hontiveros ang mga pagbabago sa mga online gaming platforms na ngayon ay itinuturing na powerful social environments subalit ito ay nagagamit na rin sa iba’t ibang pangaabuso sa mga kabataan.

Iginiit ng mambabatas na ang responsibilidad para sa pagtiyak ng “child safety” ay hindi lamang nakadepende sa mga magulang kundi nangangailangan ito ng pagkilos mula sa mga gaming platforms kasabay ng paglalatag ng malinaw na karapatan na magtataguyod sa proteksyon at dignidad ng mga kabataang Pilipino.

Nangako naman ang Roblox sa mga senador na sila ay magpapatupad ng “safety-by-default” na approach bilang bahagi ng overhaul sa kanilang platform.

Ilalabas nila sa mga susunod na buwan ang “Roblox Kids” na account para sa mga batang edad lima hanggang walong taong gulang kung saan disabled o walang chat at limitado lamang ang access at “Roblox Select” sa mga edad siyam hanggang 15 taong gulang na may filtered-age-restricted communication features.

Facebook Comments