Nagbukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang 28 ruta sa Metro Manila.
Kasabay nito, inaprubahan din ng LTFRB ang karagdagang 1,159 authorized traditional jeepney units na bibiyahe sa naturang mga ruta simula Lunes, ika-14 ng Setyembre 2020.
Walang special permit para mag-operate ang mga traditional Public Utility Jeepney (PUJ) sa mga rutang ito.
Kinakailangan lang na roadworthy ang unit at mayroong valid personal passenger insurance policy.
Kukuha lamang ng Quick Response (QR) Code na ibibigay sa bawat operator bago pumasada.
Ang QR Code ay dapat naka-print sa short bond paper at naka-display sa PUJ unit.
Maaaring i-download ang QR Code mula sa website ng LTFRB (www.ltfrb.gov.ph) simula bukas, September 13, 2020.
Paalala ng LTFRB, walang taas-pasahe na ipatutupad.
Mahigpit ding ipatutupad ang safety measures tulad ng pagsusuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves sa lahat ng oras, at ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa loob ng mga sasakyan.