LTFRB, iniimbestigahan na ang TNVS driver na nang-holdap at nanghalay sa isang Vietnamese national

Iniimbestigahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang TNVS driver na nang-holdap at nanggahasa ng babaeng Vietnamese na naging pasahero nito sa Paranaque City noong September 5.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTFRB ni Chairperson Teofilo Guadiz III na binigyan nila ng limang araw ang TNVS company upang magpaliwanag.

Layon nito na madetermina kung sino ang dapat managot sa pangyayari.


Posibleng pagmultahin ang kumpanya ng ride hailing app o kaya naman ay masuspinde ng 30 araw ang kanilang app kung mapatutunayan mayroong itong kapabayaan.

Nagpaalala naman ang LTFRB sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng ride-hailing app.

Palagiang beripikahin ang identity ng driver at i-share ang kanilang trip details sa kanilang pinagkakatiwalaang tao.

Facebook Comments