Isinisisi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang reenacted budget sa pagkakaantala ng pagpoproseso ng permit para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS).
Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III – mula nang magsimula ang taon, nag-lay off ang ahensya ng 50% ng job orders nito na naka-assign sa pagpoproseso ng aplikasyon para sa provisional authority dahil sa re-enacted national budget.
Ang problema nag-ugat mula sa pagbubukas ng 20,000 bagong slots para sa TNVS applications noong Disyembre, na nagresulta ng pagdagsa ng mga aplikante.
Hindi inaasahan ng ahensya na gagamitin ang reenacted budget at kailangan nilang mag-lay off ng ilang tauhan.
Upang maresolba ang mga nakabinbing desisyon sa ilang TNVS applications, nagproseso ang LTFRB ng 1,000 TNVS franchise applications kada araw para sa verification at stamping ng temporary authority.
Maglalaan ang LTFRB ng dalawang Sabado kada buwan para ipa-follow up ang application transactions.