Mga beer, walang methanol – CBAP

Itinanggi ng Craft Beer Association of the Philippines (CBAP) ang kumakalat na balita sa social media tungkol sa mga ‘unsafe’ brews.

Binabanggit kasi sa post tungkol sa methanol poisoning mula sa Cosmic Carabao Gin.

Sa Facebook advisory, nilinaw ng CBAP na ang methanol production ay nangyayari sa distillation process (production of spirits) at hindi sa fermentation at brewing process (production of beers).


Nilinaw din nila na ang dalawang proseso ay magkaiba.

Facebook Comments