LTFRB, itutuloy pa rin ang planong modernization sa mga pampasaherong jeep sa kabila ng tigil-pasada ng grupong PISTON

Manila, Philippines – Ipinagkibit-balikat lamang ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang ginawang tigil-pasada ng grupong PISTON.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang isinusulong umano ng grupong PISTON ay ang interes ng mga PUJ o Public Utility Jeepney operators pero ang itinutulak ng ahensya ay kapakanan ng maraming pasahero.

Paliwanag ni Delga, patuloy na makikipag-ugnayan angt LTFRB sa jeepney operators upang ipaunawa sa kanila ang benepisyo ng phase-out program ng ahensya.


Nagrereklamo kasi ang 300 libong jeepney operators at 600 libong mga drivers na mawawalan ng trabaho dahil sa jeepney modernization plan ng LTFRB.

Paliwanag ni Delgra, napakababa umano ang alok ng LTFRB sa mga jeepney operators na umaabot lamang sa 1 punto 2 milyong piso hanggang 1punto 6 na milyong piso mula sa loan package mula sa Land Bank of the Philippines.

Giit ni Delgra, plano ng gobyerno na magbigay ng 80 libong pisong subsidiya sa bawat unit na apektado ng phase out kung saan saklaw ng subsidiya ang limang porsyentong equity para sa loan package at wala umano silang ipu-put up na equity.

Facebook Comments