LTFRB, magde-deploy ng mystery riders kasunod ng napaulat na sobrang maningil sa pasahe ng isang ride hailing app

Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pamunuan ng ride hailing app na Joyride dahil sa overcharging ng mga ito sa kanilang mga pasahero.

ITO ay matapos na makatanggap ng mga sumbong ang LTFRB na naniningil pa ng tinatawag na priority boarding fee ang joyride na bukod pa sa pamasahe.

Ayon sa LTFRB, binigyan nila ng sampung araw ang Joyride para magsumite ng written explanation bago ang kanilang pagbubukas ng sariling ‘cars for hire’.


Batay sa LTFRB regulations, maaari lamang mag-flagdown ng P40 ang sedan for hire kasama ng dagdag na P15 kada kilometro at P2 sa kada minuto ng biyahe.

Kasunod nito, magpapakalat din ng mystery riders ang ahensiya para malaman kung sumusunod ang lahat ng mga tnvs operators sa maayos na singil ng pasahe.

Samantala, itinanggi naman ng kumpanya ng Joyride ang mga alegasyon na naniningil sila ng sobra sa aprubadong pasahe ng LTFRB.

Facebook Comments