Presyo ng ilang pangunahing bilihin, muling magtataas ngayong buwan ayon sa grupo ng supermarket owners

62

Magpapatupad nanaman ng taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin ngayong buwan.

Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA), lima hanggang sampung porsyento ang itataas sa presyo ng ilang brand ng produkto kagaya ng:

Sardinas, meat loaf, kape, evaporated milk, suka, asukal at instant noodles.


Kasunod nito, sinabi ni PAGASA President Steven Cua na marami pa ring manufacturer ng mga produktong may Suggested Retail Price o SRP ang humihirit sa Department of Trade and Industry o DTI ng dagdag-presyo.

Samantala, sinabi naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na sa ngayon ay masusi pa nilang pinag-aaralan ang mga hirit na taas presyo.

Facebook Comments