Manila, Philippines – Naka huli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng sampung driver ng ANGKAS o ang mga motorsiklo na gamit ang isang “app” tulad ng (TNVS) .
Sinabi ni Atty. Aileen Lizada, spokesperson ng LTFRB na simula pa noong Enero ay nagbabala na sila sa mga sumasakay sa “ANGKAS” na huwag tangkilikin ito dahil hindi ligtas bilang isang uri ng public transportation.
Maging ang mga nasa LGU’s na silang nakakasakop sa mga motorsiklong nasa ilalim anya ng “ANGKAS” ay hindi rin sang-ayon dito.
Nakatakdang magsagawa ang LTFRB
sa susunod na mga araw ng isang operation laban sa Angkas kasama ang mga tauhan ng Land Transportation Office.
Ayon kay Lizada, wala sa kanilang jurisdiction ang “ANGKAS” .
Ang sakop lamang ng LTFRB ay ang mga 4 wheel vehicles.
Pinapayuhan ni Lizada ang ang mga tumatangkilik sa “ANGKAS” dahil hindi ligtas bilang isang uri ng public transportation.
Maging ang mga nasa LGU’s na silang nakakasakop sa mga motorsiklong nasa ilalim anya ng “ANGKAS” ay hindi rin sang-ayon dito.